Encarnacion and Danilo's Story
Pagdadala ng Pangangalaga sa Kabila ng Dagat:
Isang Paglalakbay ng Pag-ibig at Tahimik na Sakripisyo
Ako po si Encarnacion Ignacio Remias. Ako po ay setenta y ocho años na po. Nakatira po [ako] sa Bellflower, CA. Lumaki ako sa Manila, Philippines, sa Sampaloc, Manila. Ang alam ko, ang mother ko ay Spanish. Tapos, yung tatay ko taga Bulacan.
I am Danilo Remias from Bellflower, CA. I’m 81 years old. Sa ano rin ako lumaki, sa Sampaloc, Manila [sa] Balik Balik. Betina ang street. Ang pamilya ko, yung mother ko taga Pampanga [sa] Mekeni. Ang father ko sa Visayas sa Aklan.
Ang anak ko, apat—tatlong lalaki at isang babae, pero malaki na sila. Nasa Pilipinas yung [tatlong anak ko], pero yung bunso ko, nadala ko rito sa Amerika nang dumating yung petition namin. Tatlo naiwan doon, yung isa narito sa Amerika. Pwede ko bang sabihin kung ilang taon na kami nag sasama ng asawa ko? [Okay] Talaga kami, 56 years na kami nung October 5.
Noong dumating kami dito, iyak ako na iyak noon kasi nga sabi ko, “Bakit ako dinala sa Amerika. Naiwan ko yung mga anak at apo ko.” Tapos, sabi yung isang pamangkin ko dito, “Halika nga! Hahanap natin ng trabaho si Papa Danny tsaka si Mama Nene.” Kaya, at that time, nakita [namin] sa jaryo na “Wanted Caregiver.” Tinawagan namin yun. At that time, kailangan ang owner ng Pasadena adolescent facility [ng caregiver]. Pinapunta kagad kami. Pagpunta namin doon, talagang ini-interview kami. Pinakita namin yung papeles namin. Tapos, nag-test kami noon kasi kailangan namin ng test, diba (referring to the test used for caregiver qualifications)? Hindi kami nakapasa sa una, pero yung pangalawa, nakapasa na kami. Sa Pasadena kami nakapagtrabaho noon. Anim ang alaga namin, ang [ratio] namin ay “3 is to 1.” Full-time kami noon. Sa una, nahirapan ako, pero noong kumita na ako [at] nakita ko yung mga pasyente ko na kailangan din nila ng tulong namin—nakakaawa yung mga pasyente ko—kaya tinangap namin.
Yung mga pasyente ko may physical (and mental) disabilities at may autism, pero napabait namin sila tsaka dati nanakit [sila sa amin]. Kailangan mahalin mo sila at mahalin yung trabaho nila. Kaya, nagbago yung [pag-uugali] nila. “Very good” [daw] kami sa social worker.
Wala kaming citation noon. Pati ung mga gamot nila, dina-document at china-check [namin]. Tapos, nag-ischool sila. Ganoon ang ginagawa namin. Daily basis ang kailangan nila—kain, papaligo, bathing, hygiene—lahat, lahat talaga. Special needs sila; naka-wheelchair yung dalawa, diaper pa. Kailangan talaga yung pag iingat sa kanila—pagmamahal. Bibigyan mo [sila] ang lahat. Totoo yan. Maraming silang behavior na iba iba.
Yung mga alaga namin okay noon! Kaya lang, kailangan bantay talaga kasi sinusuntok nila ako. Kaya kailangan mabilis ka humiwalay. Pag ka hindi mo nakita, bigla ka susuntokin o didilain. Ako nagdadala sa doktor o dadalhin ko sa ospital pag ka kailangan. Yan, yan ang trabaho ko.
[Gaano po kayo katagal nagtrabaho sa pasilidad?]
Seven years, pero kaya nag-seven years kami, nagsarado ang facilities. Dito sa Amerika, dapat talaga inaasikaso rin, hindi katulad sa iba, diba pinapabayaan? Dito talaga, malaki yung experience namin na kailangan talaga mahalin yung mga taong ganoon (referring to patients with disabilities). Hindi sila capable [of taking care of themselves on their own]. Malaki ang responsibilidad namin tsaka minahal namin ang trabaho namin. Lahat kailangan alalayan sila.
Naranasan namin ang buhay sa Amerika. Maayos na rin yun. Maganda ganda rin naman; okay naman. Masarap din dito sa Amerika. Hanggang ngayon, masarap dahil nagkaroon kami ng mga apo na mababait. Yun ang aking kayamanan. Masaya kami. Lahat naranasan namin dito—hirap, saya, lungkot. Ganoon—halo halo yun.
[Ano po ang naramdaman ninyo sa pagsasalita tungkol sa karanasan ninyo sa akin?]
Sobrang madikit na madikit, sticky! Love na love namin kayo. Talagang pina-pagdarasal ko kayong lahat. Yun pa (referring to her wall at home)! Ang mga litrato mo nan dyan lahat sa akin! Tsaka lahat ng mga binigay mo sa akin, nakatago lahat dyan!
[Sasabihin po ba ninyo na ang inyong pamilya at relihiyon ang pinakamahalaga sa inyo kapag nag-aalaga? Paano ito nakakaapekto sa iyong pagtrato sa ibang tao?]
Yes! Totoo. Malaki din yung epekto sa amin yun kasi napalayo kami. Wala na kaming dapat ipag-alala kasi okay na okay na yung buhay namin ni Lolo mo. “Be humble” parati “be humble”. Kahit mag sasabihin na may pera ka, be humble! Parati tayo guided sa Panginoon. Parati tayo nakatungtong sa lupa; wag mapagmataas. Dapat be humble. That’s it. Pag-istay namin dito, humaba pa yung buhay namin. Humaba pa yung buhay namin para marami pa kaming magturo maging bait at masilbihan pa.